Today's lunch ... green Lollo Rosso lettuce, bell pepper, tomatoes, cucumber, tuna flakes, olive oil, balsamic vinegar.
Bumalik si Elmar from Singapore 5kg. less habang ako naman ay nag gain ng "some" kilos. Kaya naisipan namin na mag diet na talaga (totoo na this time). Ito ang lunch namin kanina. Kung sa dati-rati, ang salad na yan ay side dish lang namin, ngayon appetizer, main course at dessert na rin in one.
Pahabol... i forgot to mention that all the above veggies are fresh from my mom in law's garden.
Kamakalawa nag yaya ang friend ko na Thai na mag bike sa fields, sabi nya magdala daw ako ng basket, 'didn't know for what pero nagdala na din ako. Yun pala magnanakaw kami ng fruits hahaha. OK lang daw yun kasi everybody's doing it, except sa nagpakahirap mag tanim. Habang namimili kami ng mga puno na magaganda ang bunga, nakita ko yung mga matatanda na nagnanakaw din na parang bale wala lang sa kanila. Di man lang sila sumi-simple pag may mga dumadaan na ibang tao. Kaya naki-pitas na din ako ng pears (hilaw pa ang lutong, saka lasang bayabas hahaha) at plums, kasi favorite ni Elmar na cake yun, saka ilang pang mga berries. At sa byaheng pauwi, halos ma off balance ako sa kapunuan ng basket sa likod ko hahaha.Kanina inilagay ko na sa ibabaw ng yeast dough yung plums para sa cake. Eto yung picture, before ko sya isalang sa oven.
o di ba, isang cake sya at may natira pa. hahaha. sana lang di kami mag-tae sa cake na nakaw hehehe. eto na yung Plumcake (i wish i didn't bake it. it looked better before) i sprinkled it with brown sugar.
Isasama ko na rin ang dinner namin kanina. Bread, tomatoes, 4 different kinds of cheese, grapes and wine. Sa garden kami ulit kumain, mas mahangin

